Kaugnay ng isyung nuklear ng Iran, ipinahayag nitong Setyembre 4, 2021 ni Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran na ang talastasan ay isang opsyong pulitikal. Ngunit hindi matatanggap ang pagkakaroon ng talastasan sa ilalim ng presyur at banta, aniya.
Sinabi ni Raisi na isasagawa sa malapit na hinaharap ng bagong pamahalaang Iranyo ang talastasang nuklear. Ngunit dapat aniyang maging mabunga ang talastasang ito.
Diin niya, pokus ng nasabing talastasan ay paggarantiya sa kapakanan ng mga mamamayang Iranyo at ganap na pag-aalis ng Amerika ng sangsyon laban sa Iran. Sa aspektong ito, hindi yuyukod ang Iran, aniya pa.
Kaugnay naman ng situwasyon ng Afghanistan, sinabi ni Raisi na nakakasira lamang sa kaligtasan ang nakakatalagang tropang Amerikano sa anumang lugar, sa halip ng pagbibigay ng kaligtasan.
Sinabi niya na maging preperensyal na suliranin ng bagong pamahalaang Iranyo ang pakikipagpalitan sa mga kapitbansa nito.
Salin: Lito