Sa pamamagitan ng video link, nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng 2021 Zhongguancun Forum, na idinaos ngayong araw, Setyembre 24, sa Beijing.
Tinukoy ni Xi, na sa harap ng kasalukuyang kalagayan ng daigdig, kailangang palakasin ng iba’t ibang bansa ang pagbubukas at pagtutulungan sa aspekto ng siyensiya at teknolohiya, at sa pamamagitan nito, magkakasamang hahanapin ang mga tsanel at paraan ng paglutas sa mga mahalagang isyung pandaigdigan.
Binigyang-diin ni Xi, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang inobasyon sa siyensiya at teknolohiya, at ibinubuhos ang pagsisikap para pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon sa aspektong ito.
Aniya pa, sa pamamagitan ng mas bukas na atityud, palalakasin ng Tsina ang pandaigdigang pagpapalitan sa siyensiya at teknolohiya, aktibong lalahok sa pandaigdig na network ng inobasyon, susuportahan ang pundamental na pananaliksik, at pasusulungin ang aktuwal na paggamit ng mga bungang pansiyensiya at panteknolohiya.
Palalakasin din ng Tsina ang pangangalaga sa intellectual property, at lilikhain ang mabuting kapaligiran para sa inobasyon, dagdag ni Pangulong Xi.
Ang Zhongguancun Forum ay pambansang plataporma ng Tsina para sa pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya.
Ang tema ng porum sa taong ito ay "intelligence, health and carbon neutrality."
Editor: Liu Kai
Pangulo ng Tsina, pinahahalagahan ang pag-unlad sa siyensiya at teknolohiya
Xi Jinping: Digital economy, direksyon ng pag-unlad ng daigdig sa hinaharap
Tsina, itatatag ang base ng inobasyon ng BRICS partnership sa bagong rebolusyong industriyal
Xi Jinping, nagpadala ng liham na pambati sa Porum sa Siyensiya, Teknolohiya at Inobasyon ng BFA