Tinukoy Biyernes, Nobyembre 20, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang digital economy ay direksyon ng pag-unlad ng daigdig sa hinaharap, at ang inobasyon naman ay pakpak para sa paglipad ng kabuhayang Asya-Pasipiko.
Saad ni Xi, dapat komprehensibong ipatupad ang roadmap ng internet at digital economy ng APEC, pasulungin ang pagpapalaganap at paggamit ng mga bagong teknolohiya, palakasin ang konstruksyon ng digital infrastructure, at pawiin ang digital divide.
Aniya, iminungkahi ng panig Tsino na ibahagi ng iba’t ibang panig ang karanasan sa paglaban sa epidemiya at pagpapanumbalik ng kabuhayan, sa pamamagitan ng digital technology, pabutihin ang digital na kapaligirang pangnegosyo, pasiglahin ang nakatagong lakas ng digital economy, at patingkarin ang bagong lakas-panulak para sa pagbangon ng kabuhayang Asya-Pasipiko.
Ayon kay Xi, sa susunod na taon, itataguyod ng Tsina ang simposyum hinggil sa pagbabawas ng karalitaan, sa pamamagitan ng digital technology, para mapasulong ang usapin ng pagpawi ng karalitaan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Winika ito ng Pangulong Tsino sa kanyang talumpati sa Ika-27 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting na ginanap nang araw ring iyon sa pamamagitan ng video link.
Salin: Vera