Pagbabago ng klima, komong hamon ng buong sangkatauhan - Tsina

2021-09-24 15:28:39  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Setyembre 23, 2021, sa Pulong ng United Nations Security Council (UNSC) kaugnay ng Klima at Kaligtasan, tinukoy ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang pagbabago ng klima ay komong hamon na kinakaharap ng buong sangkatauhan at kailangan ang magkakasamang aksyon ng buong daigdig upang masolusyunan ang suliraning ito.

Pagbabago ng klima, komong hamon ng buong sangkatauhan - Tsina_fororder_01qihou

Aniya, ang “United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC)” at “Paris Agreement” ay pinaka-awtoritatibong platporma sa pagharap sa pagbabago ng klima, at dapat mapangalagaan ng komunidad ng daigdig ang katayuan ng naturang dalawang dokumento bilang pangunahing tsanel, at igalang ang pantay-pantay na karapatan ng iba’t-ibang bansa sa isyu ng pagbabago ng klima.

 

Sinabi ni Zhang na may responsibilidad ang mga maunlad na bansa sa pagbabago ng klima.

 

Dapat aniyang isakatuparan ng mga maunlad na bansa ang obligasyon kaugnay ng maagang pagbabawas ng malaking emisyon, at ipatupad ang pangakong magbibigay ng pondo sa mga umuunlad na bansa upang mitigahin ang mga epektong dulot ng pagbabago ng klima.

 

Ito ay susi ng pagsasakatuparan ng “sero emisyon”ng buong mundo, dagdag niya.

 

Sa napipintong pagdaraos ng Ika-15 Komperensya ng mga Partido sa Kombensyon sa Biolohikal na Dibersidad ng UN, ipahahayag ng Tsina ang mga hakbang at kahandaang makipagtulungan sa iba’t-ibang bansa upang magbigay ng bagong ambag para sa pangangalaga at pagsasa-ayos sa kapaligiran ng mundo, dagdag ni Zhang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method