Tsina at Britanya, palalakasin ang kooperasyon sa isyu ng pagbabago ng klima

2021-09-08 16:12:30  CMG
Share with:

Tsina at Britanya, palalakasin ang kooperasyon sa isyu ng pagbabago ng klima_fororder_20210908klima600

Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing nitong Setyembre 7, 2021 kay Alok Sharma, president-designate ng 2021 United Nations Climate Change Conference (COP26) via video link, ipinahayag ni Han Zheng, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, na kailangang magkaisa at magtulungan ang buong daigdig para magkakasamang harapin ang pagbabago ng klima.

Tinukoy niya na may mainam na kooperasyon ang Tsina at Britanya sa larangan ng pagharap sa pagbabago ng klima. Umaasa aniya siyang mapapatingkad ng dalawang panig ang kani-kanilang bentahe at mapapalakas ang kanilang diyalogo at pagtutulungan para mapatingkad ang mas mahalagang papel sa usaping ito.

Ipinahayag naman ni Sharma ang paghanga ng panig Britaniko sa ginagawang napakalaking pagsisikap ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima.

Nakahanda aniya ang panig Britaniko na palakasin ang pakikipagdiyalogo at pakikipagsanggunian sa panig Tsino sa usaping ito.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method