Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina nitong Setyembre 23, 2021, 54 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 24 ang galing sa labas ng bansa, samantalang 30 ay domestikong kaso.
Bukod dito, 1 ang bagong pinaghihinalagang kaso na galing din sa labas ng bansa.
Hanggang magha-hati gabi ng Setymbre 23, 2021, 1,009 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio