Lunsod Changsha, lalawigang Hunan, Tsina – Idinaos kasabay ng kauna-unahang Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika sa mga Pagkain at Produktong Agrikultural Setyembre 27, 2021, ang seremonya ng paglalagda sa proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Aprika sa mga pagkain at produktong agrikultural, na nagkakahalaga ng mga $USD510 milyon.
Sa ilalim ng temang “Magkakasamang Magsisikap para sa Kasaganaan,” layon ng naturang porum na palawakin ang pag-aangkat ng Tsina ng mga produktong agrikultura mula sa Aprika, pabutihin ang estruktura ng bilateral na kalakalan ng dalawang panig, at itatag ang aktuwal at mabisang plataporma ng kooperasyong komersyal at pagpapalitan ng mga impormasyon hinggil sa mga produktong agrikultural ng dalawang panig.
Dumalo sa porum ang mahigit 250 personahe, na kinabibilangan ng mga kinatawan ng mga may-kaugnayang departamento at kompanya ng Tsina at Aprika.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio