Pinasinayaan kamakailan ang China-Africa Internet Development and Cooperation Forum na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 14 na bansang Aprikano at Unyong Aprikano (AU).
Ipinatalastas dito ng panig Tsino ang pagbalangkas at pagsasagawa ng plano para sa China-Africa digital innovation partnership.
Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 25, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang digital innovation cooperation ay bagong-sibol na larangan ng pragmatikong kooperasyong Sino-Aprikano.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na balangkasin at isagawa kasama ng panig Aprikano ang nasabing plano.
Sa loob ng darating na 3 taon, magkasamang pagpaplanuhan ng panig Tsino at Aprikano ang mga hakbangin tungkol sa pragmatikong kooperasyon sa larangang digital, dagdag niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio