Kinatawang Tsino sa UN: dapat isakatuparan ang pantay-pantay na pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19

2021-09-29 15:45:13  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong ng Konseho ng United Nations (UN) sa Karapatang Pantao, Setyembre 28, 2021, ipinanawagan ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Geneva, ang pantay-pantay na pagbabahagi ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig. 

 

Ani Chen, suportado ng Tsina ang panawagan ng UN kaugnay ng pantay-pantay na pagbabahagi ng mga bakuna, at hinimok niya ang lahat ng bansa na gawing priyoridad ang karapatan sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan, sa halip ng kapakanan sa ekonomiya at pulitika.

Kinatawang Tsino sa UN: dapat isakatuparan ang pantay-pantay na pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19_fororder_bakuna02

Bukod dito, ipinagdiinan niyang dapat palakasin ang tulong sa mga umuunlad na bansa.

 

Ang naturang talumpati ay inihayag ni Chen sa ngalan ng mahigit 30 umuunlad na bansa na kinabibilangan ng Rusya, Timog Aprika, Pakistan, Ehipto, Mexico, Indonesia at iba pa.

Kinatawang Tsino sa UN: dapat isakatuparan ang pantay-pantay na pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19_fororder_UN

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method