Resepsyon bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw ng Tsina, ginanap

2021-09-30 22:17:21  CMG
Share with:

Resepsyon bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw ng Tsina, ginanap_fororder_1310220635_16330387139381n

 

Sa bisperas ng ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, isang resepsyon ang inihandog ng Konseho ng Estado o gabinete ng bansa nitong Huwebes, Setyembre 30, 2021.

 

Lumahok sa naturang pagtitipun-tipon ang liderato ng Tsina na pinangungunahan ni Pangulong Xi Jinping, kasama ang halos 500 panauhin mula sa loob at labas ng bansa.

 

Sa kanyang talumpati sa resepsyon, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nitong 72 taong nakalipas, kapansin-pansin ang pag-unlad ng bansa, lalo na  ang pagkakatatag ng may kaginhawahang lipunan sa katam-tamang antas o moderately prosperous society sa lahat ng  larangan.

 

Inulit din ng premyer Tsino ang patuloy na pagpapalalim ng reporma’t pagbubukas sa labas, na itinatakda bilang pambansang patakaran ng bansa.

 

Diin niya, pasusulungin pa ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas, alinsunod sa batayang institusyonal para makalikha ng kapaligirang pangnegosyo na nakatuon sa pamilihan o marketoriented economy, na nababatay sa batas  at internasyonalisado.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method