Duterte sa Sambayanang Pilipino: Pambansang Araw ng mga Bayani, alay sa magigiting na di-kilalang bayani

2021-08-30 16:13:44  CMG
Share with:

Bilang pagpupugay sa kadakilaan ng di-mabilang na bayaning nagbuwis ng buhay at nagsakripisyo para sa kasarinlan, kaligtasan at kasaganaan ng Sambayanang Pilipino, ipinagdiriwang ngayong araw, Agosto 30, 2021, ang Pambansang Araw ng mga Bayani.

 

Sa taong 2021, ang tema nito ay“Kabayanihan ng Bawat Pilipino, Susi sa Tagumpay at Pagkamakatao” (Heroism of Each Filipino, Key to Victory and Humanity).

 

Kaugnay nito, isang mensahe ang inilathala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Lahad niya, ang Pambansang Araw ng mga Bayani ngayong taon ay espesyal na ini-a-alay para sa mga bagong usbong na mga bayaning laging handang tumugon sa tunog ng trumpeta ng digmaan laban sa isa sa mga pinakamapanganib na banta sa buhay ng bawat nilalang.

 

Duterte sa Sambayanang Pilipino: Pambansang Araw ng mga Bayani, alay sa magigiting na di-kilalang bayani_fororder_medical-frontliners  national heroes day

 

Aniya pa, nitong nakalipas na dalawang taon, saksi ang lahat sa di-natitinag na determinasyon ng napakaraming di-kilalang manggagawang medikal, kapulisan at kasundaluhan, manggagawa ng pamahalaan, at mga frontliner sa mga esensiyal na industriya, habang walang-takot na pinangungunahan ang pagpupunyagi kontra sa Corona Virus Disease  2019 (COVID-19).

 

“Ang kanilang mga pangalan ay hindi mai-u-ukit sa kahit anumang gusali, hindi itatayo ang mga bantayog para sa kanilang karangalan, hindi mailalagay ang kanilang mga larawan sa mga salapi, at ang kanilang mga indibiduwal na kuwento ng kabayanihan ay hindi maisusulat sa mga pahina ng anumang aklat ng kasaysayan. Pero, dahil sa walang-takot nilang pagsusuong ng buhay upang matiyak na ligtas ang ating lipunan, may-kompiyansa kong masasabi na nararapat silang idambana sa pedestal ng mga bayani,”saad ni Duterte.  

Duterte sa Sambayanang Pilipino: Pambansang Araw ng mga Bayani, alay sa magigiting na di-kilalang bayani_fororder_National-Heroes-Day-2021-1086x1536

 

Aniya pa, “Sa taong ito, ipagdiwang natin ang Pambansang Araw ng mga Bayani hindi lamang bilang pag-alala sa kanilang pambihirang kagitingan,  kundi bilang isang di-mabuburang testamento ng ating likas na kakayahan upang higitan ang ating mga personal na interes at pagsilbihan ang dakilang simulaing nakahihigit kaninuman.”

 

Duterte sa Sambayanang Pilipino: Pambansang Araw ng mga Bayani, alay sa magigiting na di-kilalang bayani_fororder_240824798_4308406765881621_8910222280193850717_n

Poster ng National Historical Commission ng Pilipinas bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw ng mga Bayani sa 2021

 

Ulat: Rhio Zablan

Web-edit: Jade 

Photo courtesy: DOH/PCOO/National Historical Commission of the Philippines


Please select the login method