Beijing Winter Olympics, pwedeng panoorin ng mga tao sa loob ng Tsina; iba pang patakaran inilahad

2021-09-30 16:40:23  CMG
Share with:

Idinaos Setyembre 29, 2021, ng International Olympic Committee (IOC) ang pulong ng Executive Board. Nangulo sa naturang pulong si Thomas Bach, Pangulo ng IOC.

Beijing Winter Olympics, pwedeng panoorin ng mga tao sa loob ng Tsina; iba pang patakaran inilahad_fororder_02olympic

Inilahad sa pulong ang masusing patakaran kontra COVID-19 para sa 2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games.

 

Napagpasyahang ang mga atleta at kalahok sa Olympics na nabakunahan ang makakapasok sa closed-loop management system. Sasailalim sa quaratintine ang mga di pa lubusang bakunado. At ang mga atletang may medical exemption ay papayagang lumahok. Ipatutupad ang closed loop management system.

 

Tanging ang mga taong nakatira sa mainland ng Tsina ang papayagang makabili ng tiket at dapat nilang sundin ang mga nakatakdang patakaran para makapanood ng mga sporting events.

 

Hanggang sa kasalukuyan, maayos ang paghahanda para sa 2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method