CMG, patuloy na sinusuportahan ang mga alagad ng sining mula sa Taiwan na magtanghal sa Chinese mainland

2021-10-06 17:04:10  CMG
Share with:

CMG, patuloy na sinusuportahan ang mga alagad ng sining mula sa Taiwan na magtanghal sa Chinese mainland_fororder_微信图片_20211006111908

 

Nagtanghal kamakailan ang mga alagad ng sining mula sa Taiwan sa National Day Gala ng China Media Group (CMG).

 

Pero, tinuligsa sila ng ilang media ng Taiwan dahil dito.

 

Kaugnay nito, inilabas ng CMG ang pahayag bilang pagsuporta sa mga alagad ng sining mula sa Taiwan.

 

Ayon sa pahayag, tuwing may mahalagang kapistahan ang Tsina, mayroong mga espesyal na programa bilang pagdiriwang sa kapistahan ang CMG at inaanyayahan ang mga alagad ng sining mula sa Taiwan para kasamang magtanghal ng mga mainland artists, Hong Kong at Macao sa mga palabas na lubos na kinagigiliwan at hinahangaan ng napakaraming manonood.

 

Pero, anang pahayag, laging pinagbabantaan, tinatakot, at sinisiraang-puri ng ilang media ng Taiwan ang naturang mga alagad ng sining, para hindi na sila muling lumahok sa mga palabas sa mainland.

 

Buong tinding tinututulan ng CMG ang naturang aksyon ng ilang media ng Taiwan, at patuloy na tinatanggap ang mga alagad ng sining mula sa Taiwan na magtanghal sa mga programa ng CMG, diin ng pahayag.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method