Mahigit 400 milyon, "like" sa ibat-ibang plataporma ng CMG kaugnay sa pag-uwi ni Meng Wanzhou

2021-09-26 15:37:10  CMG
Share with:

Mahigit 400 milyon, "like" sa ibat-ibang plataporma ng CMG kaugnay sa pag-uwi ni Meng Wanzhou_fororder_20210926Meng1600

Ipinahayag kaninang umaga, Setyembre 26, 2021 ni Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publisidad ng Tsina at Puno ng China Media Group (CMG), na inulan ng napaka-init na reaksyon mula sa mga netizen ng buong bansa ang live coverage ng China Central Television (CCTV) tungkol sa pagbalik sa inang-bayan ni Meng Wanzhou, Chief Financial Officer ng Huawei Technologies Co., Ltd.

Siwalat ni Shen, sa mga plataporma ng CMG, pumalo sa 400 milyon ang nakuhang “like” dahil sa nabanggit na pangyayari.

Ito aniya ay katumbas ng kabuuang bilang ng populasyon ng Amerika at Kanada.

Ang usaping ito “ang nasa puso ng mga mamamayan, ito ang lakas ng mga mamamayan,” saad pa ni Shen.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method