Sa ngalan ng Tsina at Rusya, inilahad ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), sa pulong ng Ika-76 Asembleya ng UN na idinaos Oktubre 7, 2021, ang magkasanib na pahayag kaugnay ng pagpapalakas ng Biological Weapons Convention (BWC), na inilabas nang araw ring iyon ng Ministrong Panlabas ng Tsina at Rusya.
Ani Geng, sapul nang magkabisa ang BWC noong 1975, pinapatingkad nito ang mahalagang papel sa pagbabawas ng banta at pagpigil ng pagpapalawak ng mga biolohikal na sandata, pagpapasulong ng mapayapang paggamit ng biolohikal na teknolohiya at iba pang larangan.
Sinabi pa niya, idaraos sa 2022 ang Ika-9 na Kombensiyon sa Pagsusuri ng BWC, sa pamamagitan ng pagkakataong ito, kailangan lalo pang palakasin ng komunidad ng daigdig ang awtoridad at bisa ng BWC, para pasulungin ang pagsasakatuparan ng target ng komprehensibong pagbabawas ng biolohikal na sandata sa lalong madaling panahon.
Samantala, dahil sa unilateral na pagtalikod ng Amerika mula sa BWC noong 2001, di maaaring simulang muli ang multilateral na talastasan hinggil sa pagsusuri sa protokol noong nakaraang 20 taon. Bukod dito, ang biolohikal na aktibidad na militar ng Amerika at kaalyado nito sa labas ng bansa ay nagdulot ng grabeng pagkabalisa ng komunidad ng daigdig, at nagbigay ng malaking banta sa kaligtasan ng Tsina at Rusya. Dapat ipaliwanag ng Amerika at mga kaalyado ang paninindigan kaugnay ng isyung ito batay sa bukas, maliwanag at responsableng pakikitungo.
Salin:Sarah
Pulido:Mac