Embahador ng Pransya, babalik sa Australia

2021-10-08 16:07:28  CMG
Share with:

Inanunsyo nitong Oktubre 6, 2021, ni Jean-Yves Le Drian, Ministrong Panlabas ng Pransya, ang pagbabalik sa Australia ng embahador ng bansa. 

 

Nauna rito, pinauwi ng Pransya ang embahador nito sa Australia dahil sa isyung dulot ng submarine deal sa ilalim ng alyansang panseguridad ng Australia, United Kingdom at United States.

 

Ipinahayag din ni Jean-Yves Le Drian na pagkatapos bumalik sa Australia, aayusin ng naturang diplomata ang relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, at buong tatag na pangangalagaan ang kapakanan ng Pransya sa harap ng isyu ng pagtalikod ng Australia sa kontrata ng pagbili ng 12 conventional diesel-electric submarines mula sa Pransya.

 

Kakailanganin ang mahabang panahon at konkretong mga aksyon para malutas ang grabeng krisis ng pagkawala ng tiwala na dulot ng naturang kapasiyahan ng Australia, diin ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Pransya.

Embahador ng Pransya, babalik sa Australia_fororder_02法国澳大利亚

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method