Inihayag nitong Martes, Setyembre 28, 2021 ni Harry Roque, Presidential Spokesperson ng Pilipinas na ikinababahala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang security partnership ng Australia, United Kingdom at United States (AUKUS) ay posibleng magbunsod ng isang "nuclear arms race."
Kaugnay nito, inihayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsinan na ang pagbuo ng AUKUS at kooperasyon nila sa nuclear submarine ay nagdudulot ng mga nakatagong panganib sa kapayapaa’t katatagang panrehiyon at kaayusang pandaigdig, sa tatlong aspektong kinabibilangan ng Cold War resurgence, arms race, at nuclear proliferation.
Ang aksyong ito ay makakaapekto sa non-proliferation system, makakapinsala sa South Pacific Nuclear Free Zone Treaty, at makakasira sa pagpupunyagi ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Countries (ASEAN) sa pagtatatag ng walang nuklear na Timog-silangang Asya, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac