Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ng Amerika na ang bilang ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob nito sa buong daigdig ay mas marami kumpara sa kabuuang ng bilang ng bakunang ibinigay ng ibang bansa sa mundo.
At di-tulad ng Tsina, Rusya at ibang bansa, hindi hiniling ng Amerika ang anumang bayad sa pagkakaloob ng bakuna sa daigdig.
Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 11, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang bakuna ay para sa pagliligtas ng buhay ng mga mamamayan, sa halip na kagamitan ng paghahanap ng interes na pulitikal.
Umaasa aniya ang Tsina na ipapatupad ng Amerika ang pangako sa pagkakaloob ng tulong ng bakuna kontra COVID-19 sa lalo madaling panahon.
Ipinalalagay ni Zhao na ang paglaban sa COVID-19 ay komong responsibilidad ng iba’t-ibang bansa ng daigdig.
Ang pagsasakatuparan ng pangako sa pagkakaloob ng bakuna sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon para pataasin ang aksesibilidad at abot-kayang bakuna kontra COVID-19 sa mga umuunlad na bansa ay mahalagang pagpapakita ng responsibilidad ng malalaking bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio