Nanawagan Oktubre 11,2021, ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa komunidad ng daigdig na dapat agarang kumilos para maiwasan ang pagbagsak ng ekonomiya ng Afghanistan.
Sinabi niyang nitong nakaraang 20 taon, palagiang umaasa ang ekonomiya ng Afghanistan sa tulong na dayuhan. Pero ngayon, naka-freeze na ang mga ari-arian ng bansa sa ibayong dagat, at itinigil ang tulong na pandaigdig. Nanganganib na bumagsak ang ekonomiya ng Afghanistan.
Ani Guterres, aktibong ipinagkakaloob ngayon ng UN ang makataong tulong sa Afghanistan.
Ipinahayag din ni Guterres na nakikipag-kooperasyon ang Taliban para sa makataong tulong mula sa UN at iginagarantiya rin ang kaligtasan para sa makataong mga gawain kung kinakailangan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac