Oktubre 9, 2021, Doha, Qatar — Sa kauna-unahang pag-uusap ng Afghan Taliban at Amerika, sapul nang umurong ang mga tropang Amerikano mula sa Afghanistan, tinalakay ng dalawang panig ang tungkol sa pangunahin na, makataong kalagayan sa nasabing bansa. .
Ipinahayag ng Afghan Taliban na ang pangunahing kahilingan nito sa nasabing pag-uusap ay paghahanap ng makataong tulong.
Hiniling din nito sa panig Amerikano na patuloy na ipatupad ang kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan kasama ang Afghan Taliban noong Pebrero, 2020, at tanggalin ang kontrol sa ari-arian ng Bangko Sentral ng Afghanistan sa organong pinansiyal ng Amerika.
Ang isyu ng paglaban sa terorismo ay isa pang mahalagang tema ng nasabing pag-uusap.
Umaasa ang panig Amerikano na patuloy na mabibigyang-dagok ng Afghan Taliban ang mga ekstrimista.
Ipinahayag naman ng Afghan Taliban na may kakayahan itong harapin ang banta mula sa terorismo, at hindi nito kinakailangan ang tulong ng Amerika.
Salin: Lito
Pulido: Rhio