Nakatakdang idaos ngayong araw ang Ika-6 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA).
Dadalo sa naturang pulong si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pamamagitan ng video link.
Ito ang ipinahayag ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Lunes, Oktubre 11, 2021.
Napag-alamang ang tema ng pulong para sa taong ito ay Seguridad at Sustenableng Pag-unlad sa Asya sa mga Bagong Realidad sa Mundo Pagkatapos ng Pandemya (Security and Sustainable Development in Asia in New Realities of the Post-Pandemic World).
Tatalakayin ng mga lalahok na kinatawan ang hinggil sa kasalukuyang pandaigdig at panrehiyong situwasyon, pagtutulungan bilang tugon sa mga banta at hamong panseguridad, post-pandemic na pag-unlad ng kabuhayan, at kooperasyon ng CICA sa iba’t ibang larangan.
Salin: Jade
Pulido: Mac