Sa news briefing ng Ika-15 Conference of the Parties to the “Convention on Biological Diversity (COP-15 CBD)” ng United Nations (UN) na idinaos gabi ng Oktubre 13, 2021, ipinahayag ni Zhao Yingmin, Pangalawang Ministro sa Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina na, mayroong 3 mahalangang bungang natamo ang mataas na pulong sa unang yugto ng COP-15 CBD, at ito ay ang mga sumusunod:
Una, pagkakaloob ng pulitikal na puwersang tagapagpasulong para sa pagsasaayos ng biolohikal na dibersidad ng buong mundo;
Ikalawa, pagpapalabas ng Deklarasyon ng Kunming;
Ikatlo, pagpapalabas ng mga bagong hakbangin ng Tsina sa pangangalaga sa biolohikal na dibersidad.
Tinukoy ni Zhao na ang Deklarasyon ng Kunming ay ang kauna-unahang dokumentong pulitikal na nagpakita ng ideya ng ekolohikal na sibilisasyon sa framework ng multilateral na kasunduan sa kapaligiran ng UN.
Sa pamamagitan ng deklarasyong ito, mapapasulong aniya ang mithiing pandaigdig hinggil sa pangangalaga sa biolohikal na dibersidad, magkakasamang maitatatag ang komunidad ng buhay ng buong mundo, at maisasakatuparan ang may-harmoniyang pakikipamumuhay ng kalikasan at sangkatauhan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Elizabeth Maruma Mrema, Kalihim na Ehekutibo ng Sekretaryat ng CBD, na aktibo at ambisyoso ang Deklarasyon ng Kunming, at ipinakikita nito ang pagkilala ng iba’t ibang panig sa kahalagahan sa lubos na pagpupunyagi upang pangalagaan ang biolohikal na dibersidad.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio