COP15, binuksan sa Kunming; Pangulong Tsino, dadaluhan

2021-10-11 19:38:44  CMG
Share with:

COP15, binuksan sa Kunming; Pangulong Tsino, dadaluhan_fororder_20211011COP600

Kunming, probinsyang Yunnan ng Tsina — Binuksan Lunes, Oktubre 11, 2021 ang Ika-15 Conference of the Parties to the “Convention on Biological Diversity (CBD)” ng United Nations (UN).

Ang tema ng nasabing pulong ay "Ecological Civilization: Building a Shared Future for All Life on Earth.”

Sa pamamagitan ng video link, dadalo at bibigkas ng talumpati bukas, Oktubre 12 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa nasabing pulong.

Matatandaang sa UN Summit ng Biolohikal na Dibersidad noong Setyembre 30, 2020, ipinagdiinan ni Xi na ang tao at kalikasan ay komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran.

Dapat aniyang igalang, itugma, at pangalagaan ang kalikasan para tahakin ang landas ng maharmoniyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan, at upang magkakasamang maitayo ang masagana, malinis, at magandang mundo.


Salin: Lito

Please select the login method