$USD100 bilyon, karagdagang pondo ng ADB para sa pagbabago ng klima

2021-10-14 16:34:14  CMG
Share with:

Isiniwalat Oktubre 13, 2021 ng Asian Development Bank (ADB), na lalaki sa $USD100 bilyon ang kabuuang halaga ng kaloob nitong pondo mula 2019 hanggang 2030 sa mga miyembrong umuunlad na bansa upang harapin ang pagbabago ng klima.

 

Anito, para harapin ang hamong dulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pagbabago ng klima, aktibong isinasagawa ng mga miyembrong umuunlad na bansa ng ADB ang aksyon para pasulungin ang berde, pleksible, at inklusibong pagbangon.

 

Ang pagdaragdag ng pondo para sa pagharap sa pagbabago ng klima ay isa sa mga masusing hakbangin ng ADB bilang suporta sa mga miyembrong umuunlad na bansa.

$USD100 bilyon, karagdagang pondo ng ADB para sa pagbabago ng klima_fororder_01klima

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method