Ang Double Ninth Festival, Setyembre 9 sa Chinese calendar kada taon, ay tradisyonal na kapistahang Tsino. Ito rin ay Senior’s Day ng Tsina.
Noong taong 1989, pormal na itinakda ng pamahalaang Tsino ang Setyembre 9 sa Chinese calendar bilang “Chinese Senior’s Day,” kung saan pinagsama-sama ang tradisyon at modernong elemento para ang kapistahang ito ay maging isang bagong pestibal ng pagbibigay-galang, pagbibigay-tulong, at pag-aalaga sa mga matatanda.
Noong Disyembre 28, 2012, pinagtibay ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang “Batas ng Paggarantiya sa Karapatan at Kapakanan ng mga Matatanda” kung saan malinaw na naitakda ang Setyembre 9 sa Chinese calendar kada taon bilang “Chinese Senior’s Day.”
Kaugnay ng pagdiriwang ng Pestibal ng Dobleng Nuwebe, ipinahayag Oktubre 13, 2021 ni Pangulong Xi Jinping, sa ngalan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang marubdob na pagbati at hangaring maging malusog at magkaroon pa ng maligaya at mahabang buhay ang lahat ng matatanda ng buong bansa.
Diin ni Xi, dapat puspusang paunlarin ang tradisyonal na moralidad ng pagbibigay-galang sa matatanda, pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng matatanda, at mainam na patingkarin ang mga positibong papel ng matatanda tungo sa magkakasamang pagtatamasa ng bunga ng pag-unlad ng bansa at pagkakaroon ng maligayang pamumuhay.
Ayon sa datos ng Ika-7 National Census noong isang taon, 264 milyon ng populasyong may edad na 60 pataas sa Tsina na katumbas ng 18.7% ng kabuuang populasyon ng buong bansa. Ayon sa pagtaya, lalampas sa 300 milyon ang bilang na ito hanggang taong 2025, at lalampas din ito sa 400 milyon hanggang 2033.
Samantala, noong taong 1991, buong pagkakaisang pinagtibay sa Ika-45 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) ang resolusyon bilang 106 kung saan naitakda ang Oktubre 1 kada taon bilang “International Day of Older Persons.” Sa ngayon, ito ay kinikilala na sa daigdig bilang isang opisyal na kapistahan.
Noong sinaunang panahon sa Tsina, may mga kaugalian sa Double Ninth Festival na kinabibilangan ng pag-akyat at pagdadasal sa bundok, paglalakbay sa taglagas at pagmamasid ng mga chrysanthemum, pagbibigay-galang sa Diyos at ninuno, at pagdadasal ng mahabang buhay.
Sa ngayon, may mga bagong elemento ang nasabing pestibal. Ang pag-akyat ng bundok para makakita ng magandang tanawin sa taglagas at pagpapa-abot ng pasasalamat at paggalang sa mga matatanda ay nagsisilbing dalawang mahalagang paksa ng Double Ninth Festival.
Ngayong araw, Oktubre 14 (Setyembre 9 sa Chinese calendar), 2021, ay Double Ninth Festival. Sa panahong ito, silipin ang mga magagandang tanawin sa taglagas.
Magandang tanawin sa Badaling National Forest Park sa Beijing
Tanawin sa tuktok ng Emei Mountain sa Sichuan
Taglagas sa Lushan Mountain sa Jiujiang, probinsyang Jiangxi ng Tsina
Cliff Hanging Temple sa Hengshan, probinsyang Shanxi
Huangshan Mountain sa probinsyang Anhui ng Tsina
Mga red autumnal leaves sa WenFeng Mountain sa Chongqing
Taglagas sa Xixia Mountain sa Nanjing
Magandang tanawin sa Yuntai Mountain sa bayang Xiuwu, lunsod Jiaozuo ng probinsyang Henan
Sa ideya ng katutubong kaugalian, ang bilang “siyam” ay pinakamalaking bilang na may kahulugang “mahabang panahon at buhay.” Taglay nito ang pagbati ng mga tao sa kalusugan at mahabang buhay sa mga matatanda.
Sa bisperas ng nasabing pestibal sa kasalukuyang taon, isinagawa ang mga aktibidad ng pag-aalaga sa mga matatanda sa iba’t-ibang lugar ng Tsina.
Noong Oktubre 13, 2021, sa isang paaralan sa lunsod Shijiazhuang, gumawa ang mga estudyante, kasama ng mga matatanda, ng tradisyonal na hanidcraft sa Double Ninth Festival.
Noong Oktubre 13, 2021, sa isang paaralan sa lunsod Shijiazhuang, naglaro ang mga estudyante at matatanda,
Noong Oktubre 12, 2021, naghanda sa nayong Xumao, lunsod Zouping ng probinsyang Shandong, ang mga boluntaryo ng mga pagkain para sa mga matatanda.
Noong Oktubre 13, 2021, sa isang unibersidad ng mga matatanda sa lunsod Ji’an ng probinsyang Jiangxi ng Tsina, nagsasanay ang mga matatanda ng sayaw.
Noong Oktubre 13, 2021, sa lunsod Cangzhou, probinsyang Hebei ng Tsina, gumawa ang mga bata ng tsaa para sa mga matatanda.
Noong Oktubre 13, 2021, sa isang kindergarden sa lunsod Xingtai, probinsyang Hebei ng Tsina, gumawa ang isang bata ng chrysanthemum na gawa ng papel para bumati ng maligayang Double Ninth Festival sa mga matatanda.
Sa Pestibal ng Doble Nuwebe at Araw ng Matatanda ng Tsina, bumabati ang lahat ng bumubuo ng Serbisyo Filipino ng mabuting kalusugan at pagkakaroon ng maligaya at mahabang buhay sa lahat ng mga matatandang Pilipino at Tsino, at buong daigdig.
May-akda: Lito
Pulido: Mac