Ipinahayag Oktubre 18, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapaabot ng panig Tsino sa panig Lao ng Lancang bullet train para sa China-Laos Railway ay milestone na sumasagisag na pumasok ang naturang proyekto sa bagong yugto ng operasyon, na makakabuti sa mga mamamayan ng kapuwang Tsina at Laos.
Ang China-Laos Railway naman ay nagpapakita ng bunga ng pag-uugnay ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina at estratehiya ng Laos na isagawa ang pagpapaunlad ng bansa mula sa pagiging landlocked country tungo sa isang land linked hub, saad pa ni Zhao.
Salin:Sarah
Pulido:Mac