Tapos na! Konstruksyon ng pangunahing estruktura ng pinakamahabang tulay sa China-Laos Railway

2021-06-17 16:18:29  CMG
Share with:

Tapos na! Konstruksyon ng pangunahing estruktura ng pinakamahabang tulay sa China-Laos Railway_fororder_20210617TsinaLaos

Ayon sa China Railway No. 5 Engineering Group (CREC-5) Miyerkules, Hunyo 16, 2021, natapos na ang konstruksyon ng pangunahing estruktura ng pinakamahabang tulay sa China-Laos Railway.
 

Ang nasabing tulay na pinangalanang Phonethong Super Major Bridge ay may habang mahigit 7,528 metro at nagtataglay ng 231 pansuportang poste o pier.
 

Sinimulan itong itatag ito noong Hulyo 27, 2020.
 

Sa kabila ng mga kahirapang gaya ng mahabang panahon ng pag-ulan, masalimuot na kondisyong heolohikal at epekto ng pandemiya, iginarantiya ng lahat ng mga tauhan ng CREC-5 ang matatag na pagsulong ng konstruksyon.
 

Ang China-Laos Railway ay isang docking project sa pagitan ng Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina, at estratehiya ng Laos sa pagiging land-linked hub, mula sa dating landlocked country.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method