Tsina: Dapat ipaliwanag ng Amerika ang insidente ng pagbangga ng USS Connecticut sa South China Sea

2021-10-20 15:32:36  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagbangga kamakailan ng USS Connecticut sa South China Sea, ipinahayag Oktubre 19, 2021, ni Tan Kefei, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sinusubaybayan ng Tsina ang insidente at hiniling sa Amerika na ipaliwanag ito.

Tsina: Dapat ipaliwanag ng Amerika ang insidente ng pagbangga ng USS Connecticut sa South China Sea_fororder_02tankefei

Ani Tan, sa katwiran ng kalayaan ng nabigasyon at overflight, madalas na ipinapadala ng Amerika ang mga bapor na may sandata sa South China Sea, na nagdulot ng malaking banta sa kaligtasan ng rehiyon. Ito ay pundamental na dahilan ng insidente ng pagbangga ng USS Connecticut.

 

Dapat itigil ng Amerika ang pagdedeploy ng militar na lakas sa South China Sea at itigil ang umano’y paglalayag gamit ang rasong kalayaan ng nabigasyon at overflight sa rehiyong ito, saad ni Tan.

 

Bukod dito, ang insidente ng pagbangga ng USS Connecticut ay lubos na nagpakita na kasabay ng pagsasagawa ng kooperasyon ng Amerika, Britanya at Australia sa nuclear power submarine, natamo ng Australia ang materyal na nuklear, na grabeng lumabag sa diwa ng Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT) at nagdudulot ng mahigpit na hamon sa kapayapaan at kaligtasan ng rehiyong ito, saad ni Tan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method