Sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan sa Embahador ng Britanya sa Rusya, ipinahyaag ni Sergey Ryabkov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya, na ipinalalagay ng panig Ruso na ang pagtatatag ng Amerika, Britanya at Australia (AUKUS) ng trilateral security partnership ay makakahadlang sa gawain ng pagkontrol sa mga sandata, at hindi ito nakakatulong sa pagpapasulong ng kaligtasan at katatagang panrehiyon.
Umaasa aniya ang panig Ruso na mahigpit na ipapatupad ng AUKUS ang kanilang kaukulang pangako sa di pagpapalaganap ng sandatang nuklear.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 18, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sumasang-ayon ang panig Tsino sa paninindigan ng panig Ruso. Umaasa aniya ang panig Tsino na gagawa ang AUKUS ng mas maraming bagay na makakabuti sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Inulit din niya na ang pagsasagawa ng AUKUS ng nuclear submarine cooperation ay magdudulot ng isang serye ng grabe’t negatibong epekto.
Salin: Lito
Pulido: Mac