Sa sub-forum na nagpokus sa “Pagsuporta sa Berdeng Pag-unlad ng Mababang Karbon,” ng 2021 Financial Street Forum, na idinaos Oktubre 20, 2021, ipinahayag ni Chen Yulu, Pangalawang Puno ng People’s Bank of China, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang papel ng pinansyo sa berdeng pag-unlad ng mababang karbon.
Ani Chen, bilang isa sa mga bansa na pinakamaagang nagpaunlad ng berdeng pinansyo, aktibong itinatag ng Tsina ang plataporma ng berdeng patakarang pinansyal nitong nakaraang 5 taon.
Aniya, bilang tanging ekonomiya ng daigdig na nagsakatuparan ng positibong paglaki ng kabuhayan noong 2020, bumababa ang konsumpsyon ng enerhiya ng Gross Domestic Products (GDP) ng Tsina, at tumaas ng 1 percentage point ang proporsyon ng konsumpsyon ng malinis na enerhiya kumpara sa taong 2019.
Gumanap ng mahalagang papel ang berdeng pinansyo na nagbigay ng mahalagang ambag para sa de-kalidad na pagbangon ng kabuhayang Tsino, saad ni Chen.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio