Tsina, inilaan ang mas malaking pondo para sa inklusibong pinansyo

2021-06-20 18:04:16  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ng Ministring Pinansyal ng Tsina, na pagpasok ng taong ito, inilaan na nito ang mahigit 9.2 bilyong yuan RMB na espesyal na pondo para sa inklusibong pinansyo, at ang halagang ito ay mas malaki nang 31.2% kumpara sa nagdaang taon.

 

Ayon sa nabanggit na ministri, sa ilalim ng mga epektong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang mga pondong ito ay pumunta, pangunahin na, sa mga bagong negosyo at maliit at mikrong negosyo.

 

Sa pamamagitan ng mga pondong ito, nagkaroon ang naturang mga negosyo ng mas malaking pautang sa mas mababang interes, at mas maaga rin ang pagtanggap ng mga pautang, dagdag ng ministring pinansyal.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method