Idinaos Oktubre 20, 2021, ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang special event na pinamagatang “Tsina sa bagong paglalakbay: bagong kabanata ng pag-unlad ng maligayang bagong Tibet.”
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang kasalukuyang Tibet ay naging malinaw na pagsasalarawan ng usapin ng demokrasya at karapatang-pantao ng Tsina, at ito rin ay mahalagang bintana ng patakarang Tsino sa pagbubukas sa labas.
Matatandaang sa kanyang paglalakbay Hulyo, 2021, sa Tibet, malinaw na inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat komprehensibong isakatuparan ang estratehiya ng CPC sa pamamahala sa Tibet sa bagong panahon, tungo sa palagiang kaligtasan at de-kalidad na pag-unlad ng Tibet, diin ni Wang.
Aniya pa, sa pamamagitan ng pag-unlad ng bansa, patuloy na ipagkakaloob ang bagong pagkakataon para sa buong daigdig.
Patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t-ibang bansa, para isakatuparan ang “Inisiyatiba ng Pag-unlad ng Daigdig” na iniharap ni Pangulong Xi, walang humpay na pasusulungin ang pagtatayjo ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong mundo, at lilikha ng mas mapayapa, matatag at masaganang kinabukasan ng daigdig, saad ni Wang.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio