CMG Komentaryo: Kasalukuyang Tibet, walang puwang para sa anumang masamang tangka

2021-08-20 16:44:40  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Kasalukuyang Tibet, walang puwang para sa anumang masamang tangka_fororder_238999636_4675892232440626_9074751212316007865_n

 

Ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng mapayapang pagkamit ng kalayaan ng Tibet, isang mahalagang bahagi ng Tsina sa timog kanluran ng bansa.

 

Nitong nakaraang 70 taon, sa pamamagitan ng mapayapang liberasyon, napaalis ang mga puwersang imperyalista sa Tibet, at binigyang-wakas ang kasaysayan ng lumang Tibet na kulang sa pananamit at pagkain ang mahigit 90% ng lokal na residente.

 

Ipinagtanggol din ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at tinatamasa ng mga mamamayan sa Tibet ang dignidad at mga karapatang katulad ng mga tao sa ibang mga lugar ng Tsina.

 

Sa kasalukuyan, napakalaking napabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Tibet, buong husay na pinapangalagaan at ipinagpapatuloy ang kulturang Tibetano, at lubos na iginagalang ang relihiyong pananampalataya ng mga mamamayan dito.

 

Pinatutunayan ng malaking pag-unlad ng Tibet nitong 70 taong nakalipas, na mabisa at mabunga ang mga patakaran at hakbangin ng sentral na pamahalaang Tsino sa Tibet.

 

Ipinakikita rin ng nakaraan at kasalukuyan sa Tibet, na walang karapatan ang mga puwersang dayuhan na makialam sa mga suliranin ng Tibet sa pangangatwiran ng "karapatang pantao" o "relihiyon," at mabibigo rin ang mga tangkang likhain ang kaguluhan sa Tibet o ihiwalay ang lugar na ito mula sa Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method