Patuloy na naglakbay-suri kahapon, Oktubre 21, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Dongying, Lalawigang Shandong ng bansa.
Bumisita siya sa isang hay-tek na demonstration area para sa industriyang agrikultural, isang komunidad na residensyal, at isang instituto ng pananaliksik sa paggagalugad sa langis at isang drilling platform ng Shengli Oilfield.
Inalam niya ang hinggil sa komprehensibong paggamit ng saline-alkali soil at pag-unlad ng modernong agrikultura sa Yellow River Delta, relokasyon ng mga residente sa flood plain ng Dilaw na Ilog, at may-inobasyong pag-unlad ng Shengli Oilfield.
Salin: Vera
Pulido: Mac