Xi Jinping: Tsina, magiging lalo pang bukas sa mundo

2021-10-15 10:41:42  CMG
Share with:

Xi Jinping: Tsina, magiging lalo pang bukas sa mundo_fororder_1127958886_1634234668310_title0h

Sinabi kahapon, Oktubre 14, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na hinding hindi isasara ang pinto ng Tsina sa daigdig, sa halip, ito ay magiging lalo pang bukas.

 

Winika ito ni Xi sa kanyang keynote speech sa pamamagitan ng video link sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Komperensya ng United Nations sa Sustenableng Transportasyon.

 

Sinabi ni Xi, na sa harap ng malaking pagbabago at pandaigdigang pandemiya, kailangang sundin ang tunguhin ng pag-unlad ng daigdig, at pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon sa transportasyon, para matamo ang mga bagong bunga sa aspekto ng konektibidad ng imprastruktura, kaginhawahan sa kalakalan at pamumuhunan, at interaksyon sa pagitan ng mga sibilisasyon.

 

Ipinatalastas din ni Xi, na itatatag ng Tsina ang Pandaigdigang Sentro ng Inobasyon at Kaalaman sa Sustenableng Transportasyon, bilang ambag para sa pagpapaunlad ng transportasyon sa buong daigdig.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method