Ipinahayag Oktubre 21, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong unang tatlong kuwarter ng 2021, matatag ang takbo ng kabuhayang Tsino.
Mayroon aniyang kakayahan at kompiyansa ang Tsina na maisasakatuparan ang mga target ng kabuhayan para sa buong taon, at patuloy ring mangunguna ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa mga pangunahing ekonomiya ng buong daigdig.
Dagdag ni Wang, aktibong itinatatag ng Tsina ang “dual circulation,” na nagdudulot ng pamilihang may napakalaking saklaw at potensyal ng pangangailangang panloob. Sa hinaharap, pabibilisin ng Tsina ang bagong estruktura ng pag-unlad ng kabuhayan, palalalimin ang reporma, pagbukas sa labas at inobasyon, para pasulungin ang matatag na pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa mahabang panahon, at idudulot ang bagong puwersang tagapagpasulong para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Mac