Ayon sa datos na isinapubliko nitong Miyerkules, Oktubre 20, 2021 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mahigit 859.5 bilyong Yuan RMB ang pondong dayuhang aktuwal na nakamit ng Tsina sa unang 3 kuwarter ng kasalukuyang taon.
Ito ay 19.6% na mas malaki kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ayon kay Liu Xiangdong, Pangalawang Puno ng Departamento ng Pananaliksik sa Kabuhayan ng Sentrong Tsino sa Pagpapalitan ng Kabuhayang Pandaigdig, sa kabuuan, nananatiling mabilis na naa-akit ng Tsina ang mga pondong dayuhan.
Ito ay katunayang ang Tsina ay isa sa mga pinakamabuting destinasyon ng pamumuhunan sa buong daigdig, aniya pa.
Ayon pa sa nasabing datos, sa unang 3 kuwarter ng taong ito, magkahiwalay na lumaki ng 31.9% at 31.4% ang paglaki ng pamumuhunan sa Tsina ng mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road” at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Lito
Pulido: Rhio