Pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya sa mataas na lebel, dapat pabilisin – Xi Jinping

2021-10-27 16:20:13  CMG
Share with:

Sa kanyang pagbisita Oktubre 26, 2021, sa eksbisyon ng mga bungang natamo ng Tsina sa inobasyong pansiyensiya at pangteknolohiya noong panahon ng Ika-13 Panlimahang-Taong Plano (2016-2020), binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sinimulan na ng Tsina ang bagong paglalakbay tungo sa komprehensibong pagtatatag ng sosyalismong modernong bansa, at ang inobasyong pansiyensiya at pangteknolohiya ay mayroong napakahalagang katayuan at katuturan sa pangkalahatang pag-unlad ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at buong bansa.

Pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya sa mataas na lebel, dapat pabilisin – Xi Jinping_fororder_01teknolohiyaeksbisyon

Ani Xi, dapat pabilisin ng Tsina ang pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya sa mataas na lebel, upang magbigay ng bagong mas malaking ambag para sa pagtatayo ng bansang may maunlad na siyensisya at teknolohiya, at pagsasakatuparan ng dakilang pagbangon ng Nasyong Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method