Sa paanyaya ng Amerika, nag-usap sa pamamagitan ng video link Oktubre 26, 2021, sina Liu He, Pangalawang Premyer ng Tsina at puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pang-ekonomiya ng Tsina at Amerika, at Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika.
Isinagawa ng dalawang panig ang aktuwal, matapat at konstruktibong pagpapalitan kaugnay ng kalagayan ng makro-ekonomiya, multi at bilateral na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at iba pa.
Sa kasalukuyan, apektado pa rin ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang daigdig, at ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig ay nasa masusing panahon.
Dapat magkakasamang magsikap ang iba’t-ibang panig para igarantiya ang mainam na pagsasaoperasyon ng global supply chain.
Lubos na ipinakikita ng karanasan at katotohanan na ang konstruktibong diyalogong Sino-Amerikano ay makakabuti sa kapuwa bansa at buong daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio