Kaugnay ng pagkakaroon ng Tsina at Amerika ng ikalawang pagtatagpo sa Switzerland, ipinahayag ni Ned Price, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na may iba’t-ibang aspekto at elemento ng kawalang-katatagan ang relasyong Amerikano-Sino. Mayroong itong kompetisyon at konprontasyon, pati na sa mga larangang puwede silang magkooperasyon, aniya.
Ani Price, umaasa ang Amerika na sa hinaharap, magkakaroon ang Amerika at Tsina ng konstruktibong diyalogo para mabawasan ang kanilang konprontasyon at mapasulong ang kooperasyon sa ilang larangan.
Samantala, ipinagdiinan ni Price ang kahalagahan ng kooperasyong Amerikano-Sino sa isyu ng pagbabago ng klima.
Salin: Lito
Pulido: Mac