Inilahad ng Tsina ang solemnang representasyon sa Hapon kaugnay ng pananalita ng lider nito sa East Asia Summit para batikusin ang Tsina sa mga aspekto ng Taiwan, Hong Kong, Xinjiang, isyung pandagat, at iba pa.
Ito ay ayon sa ulat na inilabas Oktubre 28, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ani Wang, sa multilateral na okasyon, isinagawa ng Hapon ang “smearing diplomacy” at wala sa katuwirang nakialam ito sa mga suliraning panloob ng Tsina. Ang aksyon at pananalita ng Hapon ay hindi konstruktibo sa kabutihan at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones, at kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac