Bilang tugon sa sinabi ni Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon na hindi maaaring ipagpaliban ang plano ng pagtatapon sa dagat ng kontaminadong tubig ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant, sinabi kahapon, Oktubre 18, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagtatapon ng nasabing kontaminadong tubig ay hindi pribadong suliranin ng Hapon, kundi may kinalaman ito sa kalusugan ng mga tao ng lahat ng mga bansa sa paligid ng Pacific Ocean, at ekolohiyang pandagat ng buong mundo.
Dagdag ni Zhao, dapat ihinto ng Hapon ang paghahanda para sa pagtatapon ng nasabing kontaminadong tubig, at hindi rin dapat simulan ang may kinalamang gawain, hangga't hindi magkasundo ang mga kaukulang bansa at organisasyong pandaigdig.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos