Halos 3,000 eksibitor mula sa 127 bansa at rehiyon, lalahok sa Ika-4 na CIIE

2021-10-29 16:58:36  CMG
Share with:

Idaraos mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 11, sa Shanghai, ang Ika-4 na China International Import Expo (CIIE). Sa kasalukuyan, handa na ang iba’t ibang gawain hinggil dito.

 

Lalahok ang 58 bansa at 3 organisasyong pandaigdig sa eksibisyon ng mga bansa. Samantala halos 3,000 kompanya mula sa 127 bansa at rehiyon ang lalahok sa ekspo ng mga negosyo, na mas malaki ang bilang kumpara noong 2020.

 

Bukod dito, pinalawak ang saklaw ng eksibisyon ng negosyo sa taong ito na umabot sa 366 libong metro kuwadrado.

Halos 3,000 eksibitor mula sa 127 bansa at rehiyon, lalahok sa Ika-4 na CIIE_fororder_06ciie

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method