Pilipinas, planong paabutin sa US$ 500 milyon o higit pa ang halaga ng kasunduan sa Ika-4 na CIIE

2021-10-27 15:43:14  CMG
Share with:

Pilipinas, planong paabutin sa US$ 500 milyon o higit pa ang halaga ng kasunduan sa Ika-4 na CIIE_fororder_VCG111172073820

 

Sa panayam ng China Media Group kay Commercial Vice Consul Mario Tani ng Philippine Trade and Investment Center Shanghai (PTIC-Shanghai), sinabi niyang ang China International Import Expo (CIIE) ay isang magandang trading platform para makapasok sa merkadong Tsino at maipakilala rin ang maraming mga produktong Pilipino sa buong mundo.

 

Muling lalahok ang Pilipinas sa Ika-4 na CIIE. Ang CIIE ang kauna-unahang dedicated import exhibition sa buong mundo. Gaganapin sa Shanghai mula Nobyembre 5 hanggang 10 ngayong taon ang naturang expo.

 

Pahayag ni Tani, sa Ika-4 na CIIE, 40 food companies ang lalahok. Ang Pilipinas ay ibibida bilang pangunahing pinagmumulan  ng pagkaing natural at mabuti sa kalusugan.

 

Pilipinas, planong paabutin sa US$ 500 milyon o higit pa ang halaga ng kasunduan sa Ika-4 na CIIE_fororder_3cd6619f23eb4a1b8eafe67868a

Si Commercial Vice Consul Mario Tani (file photo)

 

Noong 2020, sa Ikatlong CIIE, nilagdaan ang mga kontrata para sa pagbili ng niyog at mga produkto mula rito. Mabenta ang mga prutas gaya ng saging, pinya, avocado, papaya at iba pa.

 

Saad pa ni Vice Consul Tani, para sa CIIE 2020, ang total value of business leads ay umabot sa halos  US$ 462.36 milyon. Sa halagang ito,  US$ 5.16 milyon ay mula sa  exhibitor sales, US$ 1.51 milyon  mula sa  virtual business matching activities at ang  US$ 455.69 milyon  ay mula sa Memoranda of Cooperation, Purchase Orders at Letters of Intent nang pagbili mula sa Pilipinas na nilagdaan ng mga kumpanyang Pilipino at Tsino sa panahon ng CIIE.

 

FoodPhilippines Pavilion sa Ika-3 CIIE, bukas na

FoodPhilippines Pavilion sa Ika-3 CIIE

 

Sa bawat taon nang pagsali sa CIIE, patuloy na tumataas ang halaga ng natamong bunga,  US$ 124 milyon para sa unang CIIE at US$389.70 milyon ang naabot sa paglahok sa ikalawang CIIE.

 

Pilipinas, planong paabutin sa US$ 500 milyon o higit pa ang halaga ng kasunduan sa Ika-4 na CIIE_fororder_6976ee5bb2fe498d8f85f567522f12aa

 Imelda J. Madarang, Chief Executive Officer ng Fisherfarms, isa sa  32 eksibitor na kompanyang Pilipino sa ika-2 CIIE

 

 

Ayon pa kay Tani, ang Tsina ay nananatiling top trading partner ng Pilipinas mula 2016. Mula Enero hanggang Agosto 2021, lumaki ng 19.1% ang exports ng Pilipinas sa Tsina  na nagkakahalaga ng  US$14.1 bilyon, samantala ang imports mula sa Tsina ay tumaas ng 41.1% o US$ 20.1 bilyon.  Ang Foreign Direct Investment (FDI) mula Tsina ay nasa US$10.3 milyon sa panahon ng Enero hanggang Mayo 2021. Tumaas ito ng 127% kumpara  noong isang taon.

 

Batay sa matagumpay na paglahok sa CIIE determinado ang Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin pa ang food export potential at  palawigin pa ang kalakalan sa Tsina.

 

Sa Ika-4 na CIIE plano ng Pilipinas na abutin o higitan ang US$500 million total sales target. Malaki ang hamon dahil sa pandemiya saad pa ni Tani, dahil may epekto ito sa pagbiyahe, pag-suplay at marami pang  isyung kaugnay  ng mga negosasyon. Pero tiwala siya sa galing at kakayahan ng PTIC-Shanghai. 

 

Pilipinas, planong paabutin sa US$ 500 milyon o higit pa ang halaga ng kasunduan sa Ika-4 na CIIE_fororder_afc57ef90abd4ec0a729d2b50ad5106d

Mga opisyales na Pinoy sa labas ng Philippine Pavilion sa unang CIIE (file photo)

Pilipinas, planong paabutin sa US$ 500 milyon o higit pa ang halaga ng kasunduan sa Ika-4 na CIIE_fororder_2ab450475f8c454ea172fb304a8733f3

Seremonya ng pagbubukas ng Philippine Pavilion sa ika-2 CIIE (file photo)

 

Panayam: Machelle Ramos/ Liu Kai 

Ulat: Machelle Ramos

Patnugot sa nilalaman: Jade/Mac

Patnugot sa web: Jade/Vera 

Please select the login method