Sa pag-tatagpo nitong Oktubre 28, 2021, sa Belgrade, kabisera ng Serbiya, nina Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya at Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinaabot ni Wang ang pagbati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Vucic.
Ani Wang, ang Tsina at Serbiya ay magandang magkaibigan. Patuloy na pinapaunlad ng Tsina ang magpagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan para magbigay ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig.
Ipinahayag din ni Pangulong Vucic ang kanyang pagbati kay Pangulong Xi Jinping.
Pinasalamatan ni Pangulong Vucic ang estratehikong pamumuno at mahalagang patnubay ni Pangulong Xi para sa relasyon ng Tsina at Serbiya.
Pinasalamatan din ng Serbiya ang tulong at suporta ng Tsina sa Serbiya sa iba’t ibang larangan.
Aniya, patuloy na mananangan ang Serbiya sa patakaran ng pagkakaibigan sa Tsina, isinasakatuparan ang mga mahalagang proyekto ng Belt and Road Initiative (BRI), para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng dalawang bansa.
Bukod dito, pinapurihan ni Pangulong Vucic ang Global Development Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at aktibong makikisangkot ang Serbiya sa inisyatibang ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac