Tsina, tumututol sa pagbawi ng Amerika ng lisensya ng telekom ng Tsina

2021-10-29 16:02:24  CMG
Share with:

Binawi kamakailan ng U.S. Federal Communications Commission (FCC) ang lisensya ng operasyon ng subsidiary ng China Telecom sa Amerika.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang desisyon ng Amerika ay pagpigil sa mga kompanyang Tsino. Ito ay labag sa prinsipyo ng pamilihan, at nakasira ng kooperasyon ng dalawang panig.

Tsina, tumututol sa pagbawi ng Amerika ng lisensya ng telekom ng Tsina_fororder_02shujueting

Si Shu Jueting,Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina/file photo

Ani Shu, iniharap na ng Tsina ang solemnang representasyon sa Amerika hinggil dito. Dapat agarang itigil ng Amerika ang maling aksyon, at ipagkaloob ang pantay, bukas, makatuwiran at walang diskriminasyong kapaligiran ng negosyo para sa mga kompanya ng iba't ibang bansa sa Amerika.

 

Patuloy na isasagawa ng Tsina ang kailangang hakbangin para mapangalagaan ang makatuwirang karapatan ng mga kompanyang Tsino, diin ni Shu.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method