71, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 48, domestiko

2021-10-31 13:11:36  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Oktubre 30, 2021, 71 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

Sa mga ito, 23 ang galing sa labas ng bansa, at 48 ang domestiko.

Kabilang sa mga domestikong kaso, 19 ang mula sa lalawigang Heilongjiang, 10 sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia, 9 sa lalawigang Gansu, 3 sa probinsyang Shandong, 2 sa probinsyang Yunnan, 3 sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Hui ng Ningxia, 1 sa lunsod ng Beijing, at 1 sa probinsyang Jiangxi.

Batay pa sa datos, 814 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso.

Samantala, 4,636 ang mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method