Xi Jinping: dapat magkakasamang harapin ng komunidad ng daigdig ang mga hamong pandaigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon

2021-10-31 22:29:59  CMG
Share with:

Xi Jinping: dapat magkakasamang harapin ng komunidad ng daigdig ang mga hamong pandaigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon_fororder_20211031Xi

Sa pamamagitan ng video link, patuloy na dumalo sa Beijing Linggo ng gabi, Oktubre 31, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-16 na G20 Leaders' Summit.

Tinukoy ni Xi na ang pagbabago ng klima at isyu ng enerhiya ay kasalukuyang malaking hamong pandaigdig. Ito aniya ay may kaugnayan hindi lamang sa komong kapakanan ng komunidad ng daigdig, kundi sa kinabukasan ng mundo. Dapat magkakasamang harapin ng komunidad ng daigdig ang mga hamong pandaigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, aniya pa.

Tinukoy ng pangulong Tsino na nitong ilang taong nakalipas, madalas na nagaganap ang likas na kapahamakan, at nagiging mas mahalaga ang pagharap sa pagbabago ng klima. Dapat aniyang koordinahin ang pangangalaga sa kapaligiran at pag-unlad ng kabuhayan.

Idinagdag din ni Xi na kung tutuusin, ang pagharap sa pagbabago ng klima at pagsasakatuparan ng paglipat ng enerhiya ay depende sa pagsulong ng teknolohiya.

Kaya, dapat aniyang munang pasulungin ng mga miyembro ng G20 ang pagpapalaganap at paggamit ng mga modernong teknolohiya. Dapat ding aktuwal na tupdin ng mga maunlad na bansa ang kanilang pangakong magkaloob ng tulong na pondo sa mga umuunlad na bansa, diin pa niya.


Salin: Lito

Please select the login method