Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati ngayong araw, Oktubre 30, 2021, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa unang sesyon ng Ika-16 na Group of 20 (G20) Leaders' Summit.
Sinabi ni Xi, na sa harap ng matagalang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), mahinang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, malaking hamong dulot ng pagbabago ng klima, at madalas na pagkaganap ng mga mainitang isyung panrehiyon, kailangang isabalikat ng G20 ang mga kinakailangang responsibilidad para sa kinabukasan ng sangkatauhan at kagalingan ng mga mamamayan.
Nanawagan siya sa G20, na igiit ang pagiging bukas at inklusibo, isakatuparan ang win-win na kooperasyon, isagawa ang tunay na multilateralismo, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Iniharap din niya ang limang konkretong mungkahi para sa G20, na palakasin ang pagtutulungan sa paglaban sa COVID-19, koordinahin ang mga patakaran para sa pagbangon ng kabuhayan, itaguyod ang inklusibo at komong pag-unlad, galugarin ang lakas ng inobasyon, at igiit ang berde, low-carbon, at sustenableng pag-unlad.
Dagdag ni Xi, sa pamamagitan ng sariling pag-unlad, magdudulot ang Tsina ng mas maraming bagong pagkakataon para sa iba't ibang bansa, at magbigay ng mas maraming bagong lakas para sa kabuhayang pandaigdig.
Editor: Liu Kai