Nag-usap sa Rome, Italya ang mga lider ng Amerika, Alemanya, Britanya, at Pransya sa panahon ng Group of 20 (G20) Leaders' Summit na idinaos nitong Sabado, Oktubre 30, 2021.
Ayon sa magkasanib na pahayag na ipinalabas pagkatapos ng pag-uusap, malinaw na ipinangako ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na kung panunumbalik ng Iran ang pagpapatupad ng komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear, kusang-loob na babalik at tutupad ang Amerika sa kasunduang ito.
Mainit na tinanggap ng mga kalahok na lider ang posisyon ni Biden.
Anang pahayag, makaraang mapanumbalik ang pagpapatupad ng nasabing kasunduan, aalisin ang mga kaukulang sangsyon laban sa Iran.
Ito ay makakatulong sa paglaki ng kabuhayang Iranyo.
Saad pa sa pahayag, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng makabuluhang pagbabago ng Iran, magaganap ang sinabi ng Amerika.
Nanawagan naman ang mga lider ng 4 na bansang may-kinalaman sa naturang usaping nuklear na kailangang samantalahin ng Iran ang pagkakataong ito at ipakita ang katapatan para maiwasan ang paglala ng krisis.
Salin: Lito
Pulido: Rhio